Ni Yang Fan, Tsina
Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ako ay nagbasa ng mga salita ng Diyos araw-araw at ibinuhos ang aking sarili sa pangangaral ng ebanghelyo, at paggawa ng aking tungkulin. Hindi ako kailanman tumigil, anuman ang mangyari. Pagkatapos ay na-diagnose ako noon ng hindi malubhang hyperthyroidism at sinabi ng doktor sa akin na magpahinga nang mabuti. Pero naisip ko, “Hindi madali na salubungin ang pagbalik ng Panginoon, at hindi ko hahayaan ang maliit na sakit na ito na humadlang sa tungkulin ko. Hangga’t patuloy kong ginagawa ang tungkulin ko, babantayan ako ng Diyos at poprotektahan ako.”
Mahigit isang taon ang lumipas at mas lumala ang sakit ko. Maging ang paglunok ay naging mahirap, kaya nagpunta ako sa doktor para magpa-checkup. Sinabi ng doktor sa akin na ang kondisyon ko ay malala na ngayon at kailangan ko agad maoperahan. Sinabi niya na kung hindi, maaari kong ikamatay ang kondisyon ko. Nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kailanman inisip na ang sakit na ito ay magiging sobrang malubha. Higit sa bente anyos lang ako noon, at naisip ko sa sarili ko, “Sobrang bata ko pa. Paano kung hindi ako gumaling sa kondisyong ito? Lagi kong masigasig na ginagawa ang tungkulin ko, simula nang manampalataya ako sa Diyos. Tumigil pa nga ako sa trabaho ko. Bakit hindi ako pinoprotektahan ng Diyos? Paano lumala ang sakit na ito?” Sa hapon ng araw bago ang operasyon ko, nadaanan ko ang isa pang hospital ward. Ang isa sa mga pasyente roon ay namatay at ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nag-iiyakan. Talagang natakot ako rito. Naramdaman ko na papalapit na rin sa akin ang kamatayan, at ooperahan ako sa susunod na umaga. Sinabi ng doktor na may malaking panganib at mahirap na hulaan ang magiging resulta ng operasyon. Naisip ko, “Paano kung hindi maging matagumpay ang operasyon? Marami akong ginawang sakripisyo sa pananampalataya ko—lahat ba ng ito ay para sa wala?” Pagbalik sa ward ko, nahiga ako sa kama ko, mas nagiging takot habang mas naiisip ko ang tungkol dito. Nagpatuloy ako sa pagtawag sa Diyos, hinihingi sa Kanya na protektahan ako at panatilihin akong payapa sa harapan Niya, at ilayo ako sa pakiramdam na napipigilan dahil sa mga nangyayari. Pagkatapos ng panalangin ko, naisip ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inaalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng itinalagang tadhana ng Makapangyarihan? Nangyayari ba ang buhay at kamatayan ng tao ayon sa sarili niyang pagpapasiya? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming taong gusto nang mamatay, subalit malayo iyon sa kanila; maraming taong nais maging yaong malalakas sa buhay at takot sa kamatayan, subalit lingid sa kanilang kaalaman, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, isinasadlak sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming taong nakatingala sa langit at bumubuntong-hininga nang malalim; maraming taong umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming taong bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming taong nagiging bilanggo ng tukso” (“Kabanata 11” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananampalataya. Hinahawakan ng Diyos sa Kanyang mga kamay ang kapalaran ng lahat ng tao, at ang mga tao ay hindi makakapagdesisyon para sa kanilang kapalaran. Maging matagumpay man ang operasyon o hindi at mabuhay man ako o hindi, lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Pinatnubayan ng mga salita ng Diyos, hindi na ako nakaramdam ng labis na pag-aalala o takot. Ninais kong masdan ang Diyos at ipagkatiwala sa Kanya ang aking operasyon, at magpasakop sa Kanyang pamumuno.
Nang gabing iyon, lahat ng ibang mga pasyente sa ward na iyon ay tulog, pero nakahiga lang ako doon, hindi makaidlip. Nagpatuloy ako sa pag-iisip kung ano ang kalooban ng Diyos sa pagpapahintulot sa sakit na ito na dumating sa akin at kung anong mga aral ang dapat kong matutunan. Isang himno ng mga salita ng Diyos ang naisip ko: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang” (“Ang Kasuklam-suklam na mga Layon sa Likod ng Paniniwala ng Tao sa Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).
Eksaktong inilarawan ng mga salita ng Diyos ang kalagayan ko. Naniwala ako sa Diyos upang magkaroon ng biyaya at pagpapala mula sa Kanya bilang kapalit; nanampalataya ako sa Diyos para lamang sa sarili kong pakinabang. Napagtanto ko na nakikipagtalo ako sa Diyos sa puso ko simula pa ng sinabi ng doktor na lumala ang sakit ko, iniisip na dahil isinuko ko ang lahat at ginugol ang sarili ko sa Diyos, kung gayon, dapat Niya akong bantayan at protektahan ako, at hindi ako dapat nagkaroon ng ganitong kalubhang sakit. Napuno ako ng mga maling pang-unawa at reklamo ukol sa Diyos. Pagkatapos ay nakita ko ang eksena sa kabilang ward na may namatay na pasyente at mas nag-alala na ang operasyon ko ay mabibigo. Naramdaman ko na lahat ng isinuko ko at ginugol sa aking pananampalataya ay hindi makakapagligtas sa akin o magpapasok sa akin sa kaharian ng Diyos, at wala akong nakamtan. Hinahawakan ang mga pagpahahayag ng mga salita ng Diyos laban sa mga katotohanan, nakita ko ngayon na ang pananaw ko sa paggawa ng tungkulin ko ay ang makakuha ng mga pagpapala at pakinabang. Noong hindi ibinigay ng Diyos sa akin ang makalamang kapayapaan at kagalakan, naging mali ang pagkaunawa ko at sinisi Siya. Hindi iyon pananampalataya sa Diyos! Nakikipagkasundo lang ako sa Diyos. Labis akong makasarili at kasuklam-suklam! Paano naaayon ang gayong pananampalataya sa kalooban ng Diyos? Upang mailigtas tayo nang minsanan mula sa sakop ni Satanas, ang Diyos mismo ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang ipahayag ang katotohanan para malinis at maligtas ang tao, upang maging malaya tayo sa impluwensya ni Satanas at ang buhay-disposisyon natin ay maaring magbago, at maligtas tayo. Nasiyahan ako sa pagdidilig at pagkakaloob ng maraming salita ng Diyos. Pero nang magkasakit ako, hindi ako naghangad na maunawaan ang kalooban ng Diyos o nag-isip kung paano magpapatotoo upang palugurin ang Diyos, at gusto ko pa rin ang mga pagpapala at biyaya ng Diyos. Nagsimula akong magreklamo noong nagkasakit ako. Sobrang nagrebelde ako, na walang kapirasong konsensya o katinuan. Hindi ako nararapat na mabuhay sa harapan ng Diyos. Pero hindi sumuko sa akin ang Diyos, sa halip ay ginamit ang Kanyang mga salita upang maliwanagan at patnubayan ako upang maunawaan ko ang Kanyang kalooban at malaman ang sarili kong mga katiwalian at pagkukulang. Naramdaman ko ang pag-ibig ng Diyos para sa akin, at talagang naantig ako. Kaya nanalangin ako nang tahimik sa Diyos sa aking puso, sinasabi na gusto kong matanggap at harapin ang operasyon sa susunod na araw na may masunuring puso. Kinaumagahan, dinala ako sa operating room na sobrang kalmado. Halos siyam na oras ang lumipas, ang operasyon ay natapos. Nang nagising ako, sinabi ng doktor sa akin na naging matagumpay ang operasyon. Tahimik kong pinasalamatan ang Diyos sa aking puso; alam ko na binabantayan ako ng Diyos at pinoprotektahan ako sa lahat ng oras. Pagkatapos kong makalabas ng ospital, gumaling ako kaagad, at hindi nagtagal, nagbalik ako sa iglesia na ginagawa muli ang tungkulin ko.
Lumipas ang dalawang taon at nagsimula kong maramdaman na magkaroon ng palpitation pagkatapos mapagod nang bahagya, kaya nagpunta uli ako sa ospital para magpa-checkup. Sinabi ng doktor na lumala uli ang hyperthyroidism ko at kailangan nilang gamutin ito nang walang operasyon, na ito lang ang tanging paraan upang makontrol ito. Naisip ko, “Nagkakaroon ako ng sakit na ito nang may pahintulot ng Diyos. Anuman ang mangyari rito, kailangan kong magpasakop sa Diyos, at hindi ko dapat sisihin ang Diyos.” Sa panahong iyon, nagpatuloy ako sa paggawa ng tungkulin ko habang umiinom ng gamot. Pero sa paglipas ng mga taon, ang kalusugan ko ay nagpatuloy na lumala. Wala talaga akong lakas, ang mga binti ko ay namamaga at namamanhid, at ang likod ko ay sobrang sakit na hindi ako makatayo. Kahit ang maglakad lang ng ilang baitang ng hagdan ay nagpapahingal sa akin, tumitibok ang puso ko ng malakas na parang sasabog ito mula sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras. Nagsimula akong mag-alala: “Kung lumala ito, paano ko gagawin ang tungkulin ko? Kung hindi ko kayang gawin ang tungkulin ko, ako ba ay pupurihin ng Diyos at tatanggap ng mabuting katapusan at patutunguhan? Lahat ba ng pananampalataya ko ay nauwi lang sa wala?” Pero naisip ko, “Kailangan ko lang magpatuloy na gugulin ang sarili ko sa Diyos at babantayan at poprotektahan Niya ako. Magpapatuloy ako sa paggawa ng tungkulin ko at maghahanda ng mabubuting gawa hanggang sa aking huling hininga. Kung gayon, magkakaroon ako ng mabuting destinasyon.” Kaya tiniis ko ang sakit ng ganitong karamdaman at nagpatuloy sa paggawa ng tungkulin ko.
Isang araw, katatapos ko lang mag-almusal nang biglang nagdugo ang mga gilagid ko nang walang dahilan. Hindi pa rin tumigil ang mga ito sa pagdurugo nang gabing iyon, kaya nagmadali akong pumunta sa ospital para masuri ito. Sinabi ng doktor sa akin na mayroon akong systemic lupus erythematosus at lupus nephritis. Sinabi niya na ang mga kondisyong ito ay mahirap gamutin at may mataas na bilang ng namamatay. Sinabi niya na ang mundo ng medisina ay walang paraan ng paggamot dito, na ang kondisyon ko ay napakalubha, at maaring hindi na ako magtagal ng isang buwan. Talagang nagulat ako rito. Naisip ko, “Patuloy kong ginagawa ang tungkulin ko habang maysakit ako at medyo umunlad din ako sa aking tungkulin. Paano ako nagkaroon nitong sakit na napakahirap gamutin, na nangangahulugan na hindi na ako mabubuhay ng isa pang buwan? Nanampalataya ako sa Diyos sa loob ng maraming taon. Tinalikuran ko ang pamilya ko at ang trabaho ko upang ilaan ang sarili ko sa Diyos. Hindi ko ba ginawa lahat ng ito upang purihin ng Diyos, makapasok sa Kanyang kaharian, at matanggap ang Kanyang mga pagpapala? At ngayon, hindi lang ako hindi pinagpala ng Diyos, kundi malapit na akong mamatay. Labis akong nasasaktan ngayon.”
Nang gabing iyon, nagpabaling-baling ako sa kama, hindi makatulog. Hindi ko mapigilang mag-isip kung paano ako maaaring hindi tumagal ng isa pang buwan. Bata pa ako at ang lakbayin ng buhay ko ay matatapos na. Hindi ko kailanman naisip na pagkatapos maniwala sa Diyos nang matagal, mamamatay na ako na hindi nakikita ang ganda ng kaharian. Hindi ko ito kayang tanggapin. Hindi ko mapigilan ang luha sa pag-agos; labis akong nasasaktan at nanghihina. Nanalangin ako sa Diyos: “Mahal na Diyos, kahit na alam kong nariyan ang Iyong kalooban para sa akin, na muling magkasakit at dapat akong magpatotoo upang malugod Ka, nanghihina ako ngayon at hindi ko kayang tanggapin ito o magpasakop. Pakiusap, patnubayan Mo ako na maunawaan ang Iyong kalooban.”
Pagkatapos ng panalangin ko, binasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasahan, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagkaalipin ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto na ikaw ay sakop pa rin ng pang-aalipin ni Satanas, at sa alinmang aspeto na mayroon ka pa ring sarili mong mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaunawa sa kalooban ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Magiging imposible iyan!” (“Paano Ang Isa ay Dapat Magbigay-kasiyahan sa Diyos sa Gitna ng Mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Sa anong batayan nabuhay ang mga tao noon? Ang lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, at tapat sa Diyos, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layunin ng pagkakamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa lipunan, ang lahat ay ginagawa para sa pansariling pakinabang; ang paniniwala sa Diyos ay ginagawa para lamang magkamit ng mga pagpapala. Kaya ang mga tao ay itinatakwil ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa ay upang magkamit ng mga pagpapala. Ang lahat ng ito ay katibayan mula sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ginawa tayong labis na tiwali ni Satanas na kung hindi ako nagkasakit nang paulit-ulit, inilalantad ang aking tiwaling disposisyon, mahihirapan akong tunay na makilala ang aking sarili, baguhin ang aking mga maling pananaw sa paghahangad, at tunay na magpasakop sa Diyos. Iniisip muli noong nagsimula akong maniwala sa Diyos, itinuring ko ang Diyos bilang isang uri ng cornucopia na isang napakalalim na wishing well. Akala ko, sa pamamagitan ng pagsuko ng mga bagay at paggugol ng sarili ko sa Diyos, babantayan ako ng Diyos at poprotektahan ako kapag nagkasakit ako. Noong nalaman ko na may lupus ako at hindi na tatagal ng isang buwan, ang pagnanais ko sa mga pagpapala ay ganap na nadurog, at nagsimula akong makipagtalo sa Diyos at sisihin Siya sa pagiging hindi patas. Kahit na nagkasakit ako at alam kong hindi dapat maging motibasyon ng pananampalataya ko sa Diyos ang pagnanais ko sa mga pagpapala, kapag ang kinabukasan at kapalaran ko ang nasangkot, hindi ko mapigilang sisihin ang Diyos at magkamali sa pagkaunawa sa Kanya. Ang pagnanais ko sa mga pagpapala ay napakalakas. Nabubuhay ako sa lason ni Satanas na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Lahat ng ginawa ko, ginawa ko para sa sarili kong pakinabang, at nakipagkasunduan pa ako sa Diyos at sinubok na gamitin Siya noong ginawa ko ang tungkulin ko. Paanong iyon ay talagang paggawa ng tungkulin ko? Hindi ko ba pinaghihimagsikan at nilalabanan ang Diyos? Inisip ko kung paano gumawa si Pablo para sa Panginoon at kung gaano siya nagdusa at naglaan ng kanyang sarili. Pagkatapos gumawa nang kaunti, nagsimula siyang gawing puhunan ang gawaing ito, ninanais na gantimpalaan siya ng Diyos at bigyan siya ng putong ng katuwiran bilang kapalit. Sinabi niya pa, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Hindi hinanap ni Pablo ang katotohanan, kundi hinanap niya lamang ang mga pagpapala; ang landas na tinahak niya ay landas ng paglaban sa Diyos, at sa huli ay pinarusahan siya ng Diyos. Naniwala ako sa Diyos sa maraming taon para lang magkaroon ng biyaya at mga pagpapala. Nang maharap ako sa isang sakit na malala at nagbanta sa aking buhay, walang pakundangan akong nanggulo at nilabanan ang Diyos—hindi ba’t pareho lang kami ni Pablo? Ang diwa ng Diyos ay matuwid at banal, at ang kaharian ay hindi nagpapahintulot na papasukin ang sinumang maruming tao roon. Paanong ang tulad ko na puno ng mga sataniko at tiwaling disposisyon ay makakapasok sa kaharian ng Diyos? Alam ko na kapag nagpatuloy ako na maging ganito, paparusahan din ako sa impiyerno katulad ni Pablo! Pagkatapos ay binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nahaharap sa kalagayan ng tao at saloobin ng tao sa Diyos, gumawa ang Diyos ng bagong gawain, na pinahihintulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa Kanya at pagkamasunurin sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang pagpipino ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagtatabas sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at magpatotoo sa Kanya. Ang pagpipino ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may-kinikilingang epekto, nguni’t para sa kapakanan ng isang maraming-mukhang epekto. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpipino sa kanila na nakahandang hanapin ang katotohanan, upang ang kapasiyahan at pag-ibig nila ay magawang perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o lubhang makatutulong, kaysa sa pagpipino na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagka’t ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa huli, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling nauunawaan ng mga ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang kapasiyahan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya nagdurusa at hindi pinipino o hinahatulan, ang kanyang kapasiyahan ay hindi magagawang perpekto kailanman. Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at ni nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na naghahanda ang Diyos ng iba’t ibang kapaligiran upang mailantad ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, upang makilala natin ang ating mga sarili, maiwaksi ang katiwalian, at malinis. Pagkatapos ay maaari tayong magpasakop sa Diyos. Ang lumalala kong kondisyon ay isang bagay na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari, kaya dapat akong magpasakop at matuto ng aral dito. Nanalangin ako nang tahimik sa Diyos, hinihiling na lubusang ilagay ang sarili ko sa mga kamay Niya. Gaano man kaseryoso ang maging kalagayan ko, kahit na mamatay pa ako, gusto ko lamang magpasakop sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos.
Binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos isang umaga: “Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng pagpipino? Sa pamamagitan ng kapasiyahan na ibigin ang Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagpipino: Sa panahon ng pagpipino ikaw ay nagdurusa sa loob, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa iyong puso, nguni’t nakahanda kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong puso, na umiibig sa Kanya, at ayaw mong intindihin ang laman. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Nasasaktan ka sa loob, at ang iyong pagdurusa ay nakarating na sa isang partikular na punto, nguni’t nakahanda ka pa ring lumapit sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabi: ‘O Diyos! Hindi kita maaaring iwan. Bagama’t mayroong kadiliman sa loob ko, nais kong mapalugod Ka; kilala Mo ang aking puso, at hinihiling ko na mamuhunan Ka ng mas marami Mong pag-ibig sa loob ko.’ Ito ang pagsasagawa sa panahon ng pagpipino. Kung gagamitin mo ang pag-ibig sa Diyos bilang saligan, maaari kang mas mailapit ng pagpipino sa Diyos at gagawin kang mas matalik sa Diyos. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay magiging imposible para sa iyo na ikaila ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging lalong mas malapit, at lalong mas normal, at ang iyong pakikipagniig sa Diyos ay magiging lalong mas madalas. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Magkakaroon din ng higit pang mas maraming pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan ako ng landas ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kahit na magdusa ang ating laman sa pamamagitan ng pagkakasakit, pero kung kaya nating talikdan ang ating laman at magpasakop sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos, manalangin sa Diyos at hangarin ang Kanyang kalooban, makakamit natin ang Kanyang patnubay, mauunawaan ang katotohanan, ang mga sataniko at tiwaling disposisyon natin ay unti-unting magbabago, at makikilala natin ang Diyos. Naisip ko ang panalangin ni Pedro sa Diyos habang nasa pagpipino siya: “Kahit mamatay ako matapos Kang makilala, paanong hindi ko magagawa iyon nang may galak at masaya?” (“Kabanata 6” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Maaring wala ako ng gayong tayog ni Pedro,” naisip ko, “pero pwede ko pa ring subukang tularan siya. Maaari kong hangaring ang katotohanan anuman ang sitwasyon, ganap na ibigay ang aking sarili sa mga kamay ng Diyos, at magpasakop sa Kanyang pamumuno at pagsasaayos.” Noong naisip ko ito nang ganito, hindi ko na naramdaman ang pagkagapos sa sakit ko, o sa kamatayan. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang paggagamot ko gaya ng karaniwan. Nanalangin ako sa Diyos at binasa ang Kanyang mga salita araw-araw, at naramdaman ko na napapalapit ang puso ko sa Diyos. Labis na kapayapaan ang sumibol sa loob ko. Pagkalipas ng dalawang linggo, nakontrol na ang kondisyon ko at dahan-dahang bumuti ang kalusugan ko. Ang kulay ko ay mas gumanda rin kaysa dati. Nagsimula uli akong gawin ang tungkulin ko sa simbahan pagkatapos niyon, at maginhawa ang pakiramdam ko araw-araw.
Pagkaraan ng anim na buwan, nagpunta ako sa ospital para sa checkup at nalaman na lahat ng mga indicators ng aking kondisyon ay bumalik na sa normal. Sinabi ng namamangha kong doktor, “Hindi ko inasahan na pagkatapos magkaroon ng malubhang sakit, mabilis kang gagaling sa loob lamang ng anim na buwan! Hindi ka na mukhang maysakit ngayon. Hindi ito kapani-paniwala!” Pagkarinig sa sinabing iyon ng doktor, nagbigay ako ng taos pusong pasasalamat at papuri sa Diyos; Alam ko na ito ang pagkilos ng pagkamakapangyarihan sa lahat at soberanya ng Diyos at nararamdaman ko ang Kanyang pag-ibig at kaligtasan para sa akin!
Ang magkasakit nang paulit-ulit sa ganoong paraan, kahit na dumanas ako ng sakit at panghihina, sa patnubay ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kahulugan sa likod ng gawain ng mga pagsubok at pagpipino ng Diyos. Bahagyang naunawaan ko rin ang tungkol sa kalooban ng Diyos na maligtas ang tao, at ang mga maling motibo at pananaw na taglay ko sa aking pananampalataya ay nalutas. Mula sa kaibuturan ng aking puso, nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng gayong mga mahahalagang kayamanan sa buhay!
Magrekomenda nang higit pa: