Nakalaya mula sa Kulungan ng mga Fariseo sa mga Huling Araw at Pagtanggap sa Pagbabalik ng Panginoon
Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Sa pagtingin sa tunay na mga pangyayari at sa inihayag sa mga salita ng Diyos, nahihiwatigan ni Chen Song'en at ng iba pang mga miyembro ng Three-Self Church ang napakasamang diwa ng CCP na kontrahin ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, ngunit nagpapasimula rin ito ng kaunting kalituhan. Hibang na inaapi at sinusugpo ng CCP ang mga paniniwala sa relihiyon, kaya bakit laging inuutusan ng mga pastor at elder ang mga nananalig na ipagdasal na mapagpala ang gobyernong CCP? Hindi kaya nila nahihiwatigan ang kademonyohan ng CCP? Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos, sa huli ay nakikita ng lahat ang ugat ng problema at maging ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa pastor sa landas ng Three-Self at pagpanig sa napakasamang rehimen. Nahihiwatigan din nila ang likas na pagka-anticristo ng mga pastor at elder at nagiging handang tanggihan ang mga relihiyosong Fariseong ito at suriin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon.