Paano natin makakamit ang totoong pagsisisi? Sabi ng Panginoong Hesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12- 13). "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48).
Ang Panginoong Jesus ay malinaw na sinabi sa atin na sa mga huling araw, ang Panginoon ay babalik upang ipahayag ang lahat ng mga katotohanan upang mailigtas ang mga tao at hatulan at dalisayin ang mga nakabalik sa harap ng Kanyang trono, upang makamit ng mga tao ang tunay na pagsisisi, at maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya."
Ngayon, ang kaharian ng langit ay nagpakita sa lupa. Ang Panginoong Jesus ay bumalik bilang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, na nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang lubusang dalisayin at mailigtas ang mga tao. Tanging sa pagtanggap lamang natin sa paghatol at pagkastigo ng Diyos upang ang ating mga tiwaling disposisyon ay madalisay, at kapag hindi na tayo nagkasala o lumalaban sa Diyos sa halip tunay na sumusunod at sumasamba sa Diyos at makamit ang tunay na pagsisisi, maaari tayong maprotektahan at mapanatili ng Diyos sa mga sakuna at makapasok sa kaharian ng Diyos.
Ngayon, natapos na natin ang pagbabahagian tungkol sa kung paano makamit ang totoong pagsisisi upang makapasok sa makalangit na kaharian. Kung mayroon kang anumang mga natamo o pagkalito na nais mong ibahagi, mangyaring mag-komento sa aming post o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Sasagutin ka namin sa lalong madaling panahon at nais naming talakayin ang paksang ito sa iyo.
Kung tunay lamang tayong nagsisisi ay maaari tayong maligtas ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kung gayon, paano natin makakamit ang totoong pagsisisi? Mangyaring basahin: Ano ang pagsisisi
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!