Return to site

Panalangin sa diyos-Paano pumapasok ang isang tao sa tunay na panalangin?

“Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat.

broken image

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang pagliliwanag at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong katayuan at mga kaligaligan sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at laitin ang iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gagawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.
mula sa "Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin"

Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, ang panalangin ay isang kinakailangang paraan sa ating pang-araw-araw na buhay at ang pinaka direktang paraan para tayo ay mapalapit sa Panginoon. Gayunpaman, maraming beses na hindi natin maramdaman ang presensya ng Panginoon kapag nananalangin tayo sa Panginoon, kaya ano ang dapat nating gawin? Sa katunayan, hangga't kinakabisa natin ng mabuti ang mga prinsipyo ng panalangin, nagsasabi ng mabisang panalangin, kung gayon maaari tayong pakinggan ng Diyos.