pang araw araw na Salita ng Diyos - "Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos" | Sipi 7
Ang tatlong mga yugto ng gawain ay isang talâ ng buong gawain ng Diyos, ang mga ito ay talâ ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at hindi kathang-isip ang mga ito. Kung tunay na nagnanais kayong maghanap ng kaalaman sa kabuuang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay dapat ninyong alamin ang tatlong mga yugto ng gawain na isinasakatuparan ng Diyos, at bukod dito, wala kayong dapat tanggaling yugto. Ito ang pinakamaliit na dapat makamit ng mga nagnanais na makilala ang Diyos. Ang tao mismo ay walang kakayanang magbunga ng totoong pagkakilala sa Diyos. Ito ay hindi isang bagay na kayang wariin ng tao mismo, hindi rin ito ang bunga ng natatanging pabor ng Banal na Espiritu para sa isang tao. Bagkus, ito ay pagkakilala na dumarating matapos maranasan ng tao ang gawa ng Diyos, at ito ay isang pagkakilala sa Diyos na dumarating lamang matapos maranasan ng tao ang mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makakamit nang biglaan, hindi rin ito isang bagay na maituturo. Ito ay lubos na may kaugnayan sa personal na karanasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay nasa kaibuturan nitong tatlong mga yugto ng gawain, ngunit sa loob ng gawain ng pagliligtas ay kasama ang maraming mga paraan ng paggawa at paraan kung paano ang disposisyon ng Diyos ay inihahayag. Ito ang pinakamahirap na tukuyin ng tao, at ito ay mahirap maunawaan ng tao. Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, mga pagbabago sa gawain ng Diyos, mga pagbabago sa kinaroroonan ng gawain, mga pagbabago sa mga tagatanggap nitong gawain, at iba pa—lahat ng mga ito ay kasama sa tatlong mga yugto ng gawain. Sa partikular, ang pagkakaiba ng paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, gayundin ang mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, anyo, pangalan, pagkakakilanlan, o ang iba pang mga pagbabago, ay bahagi lahat ng tatlong mga yugto ng gawain. Ang isang yugto ng gawain ay maaari lamang kumatawan sa isang bahagi, at ito ay limitado sa loob ng isang tiyak na saklaw. Wala itong kaugnayan sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, o mga pagbabago sa gawain ng Diyos, lalong wala sa ibang mga aspeto. Ito ay malinaw na nakikitang katotohanan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Dapat malaman ng tao ang gawain ng Diyos at disposisyon ng Diyos sa gawain ng pagliligtas, at kung wala ang katotohanang ito, ang iyong pagkakilala sa Diyos ay mga hungkag na salita lamang, hindi higit sa isang nakalikmuang pananalitang pagtataas-sa-sarili. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makahihikayat ni makalulupig sa tao, ang ganoong pagkakilala ay lihis sa katunayan, at hindi ang katotohanan. Maaaring ito ay napakarami, at kaaya-ayang pakinggan, nguni’t kung ito ay salungat sa likas na disposisyon ng Diyos, kung gayon hindi ka patatawarin ng Diyos. Hindi lamang Niya hindi pupurihin ang iyong pagkakilala, kundi Siya ay gaganti rin sa iyo sa pagiging isang makasalanan na lumapastangan sa Kanya. Ang mga salita ng pagkakilala sa Diyos ay hindi binibigkas nang gayon-gayon lamang. Kahit na ikaw ay matabil at makatang magsalita, at ang iyong mga salita ay kayang bumuhay ng mga patay, at kayang pumatay ng mga buhay, ikaw pa rin ay walang kalaliman pagdating sa pagsasalita tungkol sa pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos ay hindi isa na mahuhusgahan mo nang padalus-dalos, o purihin nang may kababawan, o basta-basta maliitin. Pinupuri mo ang kahit sino at ang lahat, datapwa’t nahihirapan kang hanapin ang tamang mga salita upang ilarawan ang dakilang pagkamatuwid at kagandahang-loob ng Diyos—at ito ang natutunan ng bawa’t talunan. Kahit na marami ang mga dalubhasa sa wika na may kakayanang ilarawan ang Diyos, ang kawastuhan ng kanilang paglalarawan ay ikasandaang bahagi lamang ng katotohanang binibigkas ng mga taong pag-aari ng Diyos at may limitadong bokabularyo lamang, datapwa’t nagtataglay ng mayamang karanasan. Sa gayon, makikita na ang pagkakilala sa Diyos ay nakabatay sa kawastuhan at katunayan, at hindi sa listong paggamit ng mga salita o mayamang bokabularyo. Ang kaalaman ng tao at ang pagkakilala sa Diyos ay ganap na walang kaugnayan. Ang aral sa pagkilala sa Diyos ay mas mataas kaysa alinman sa mga likas na agham ng sangkatauhan. Ito ay isang aral na makakamtan lamang ng napakaliit na bilang niyaong nagnanais na makilala ang Diyos, at hindi makakamtan ng kahit na sinong taong may talento lamang. Kaya’t hindi ninyo dapat itinuturing ang pagkilala sa Diyos at ang paghahabol sa katotohanan na para bang kayang makamtan ng isang bata lamang. Marahil ikaw ay lubos na naging matagumpay sa iyong buhay pampamilya, o sa iyong hanapbuhay, o sa iyong pag-aasawa, nguni’t pagdating sa katotohanan, at sa aral ng pagkilala sa Diyos, wala kang maipakitang iyo, wala kang narating. Ang pagsasagawa ng katotohanan, masasabing, napakahirap nito para sa inyo, at ang pagkilala sa Diyos ay ang mas malaki pang suliranin. Ito ang inyong paghihirap, at ito rin ay ang paghihirap na kinakaharap ng buong sangkatauhan. Sa kanilang nagkaroon ng ilang mga katagumpayan sa adhikain ng pagkilala sa Diyos, halos walang umabot sa pamantayan. Hindi alam ng tao kung ano ang kahulugan ng pagkakilala sa Diyos, o kung bakit kailangang makilala ang Diyos, o kung anong hangganan ang maituturing na pagkilala sa Diyos. Ito ang nakapagpapalito sa sangkatauhan, at ito lamang ang pinakamalaking palaisipan na hinarap ng sangkatauhan—at wala kahit isang may kakayahang sumagot sa tanong na ito, o may sinumang pumapayag na sagutin ang tanong na ito, dahil, hanggang sa araw na ito, walang sinuman sa sangkatauhan ang nagkaroon ng anumang katagumpayan sa pag-aaral ng gawaing ito. Marahil, noong ang palaisipan ng tatlong mga yugto ng gawain ay ipinakilala sa sangkatauhan, magpapakita nang sunod-sunod ang isang pangkat ng mga talentong nakakakilala sa Diyos. Mangyari pa, inaasahan Ko na ganito ang kaso, at, bukod pa riyan, Ako ay nasa proseso ng pagsasakatuparan ng gawaing ito, at umaasang makita ang paglitaw ng marami pang ganoong mga talento sa nalalapit na panahon. Sila ay magiging yaong mga tagapagdala ng patotoo sa katunayan nitong tatlong mga yugto ng gawain, at, mangyari pa, ang mauunang magdadala ng patotoo dito sa tatlong mga yugto ng gawain. Kung walang ganoong mga talento, sa araw na dumating na sa katapusan ang gawain ng Diyos, o mayroon lamang isa o dalawa, at natánggáp nila nang personal ang pagiging ginawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao, kung gayon wala nang mas nakakapagpadalamhati at nakapanghihinayang kaysa rito—kahit na ito lamang ang pinakamasamang maiisip na sitwasyon. Kung ano man ang kaso, umaasa pa rin Ako na silang tunay na nagnanais ay makakatamo ng pagpapalang ito. Simula noong unang panahon, hindi pa nagkaroon ng gawaing tulad nito, ang ganoong pagsasagawa ay hindi pa nangyari kahit kailan sa kasaysayan ng pagsulong ng tao. Kung tunay na maaari kayong maging isa sa mga naunang nakakilala sa Diyos, hindi ba ito ang pinakamataas na parangal sa gitna ng lahat ng mga nilalang? Mayroon bang sinumang nilalang na kabilang sa sangkatauhan ang mas pupurihin ng Diyos? Ang ganoong uri ng gawain ay hindi madaling matamo, nguni’t sa huli ay aani pa rin ng mga gantimpala. Kahit ano pa ang kanilang kasarian o lahi, lahat ng may kakayanang makamtan ang pagkakilala sa Diyos ay, sa katapusan, tatanggap ng pinakamalaking parangal ng Diyos, at tanging sila lamang ang magtataglay ng awtoridad ng Diyos. Ito ang gawain ngayon, at ito rin ang gawain ng hinaharap; ito ang huli, at pinakamataas na gawain na maisasagawa sa 6,000 taong gawain, at ito ay isang paraan ng paggawa na nagbubunyag ng bawa’t kategorya ng tao. Sa pamamagitan ng gawain ng pagsasanhi sa tao na makilala ang Diyos, ang mga iba’t-ibang katayuan ng tao ay ibinubunyag: Silang mga nakakakilala sa Diyos ay may kakayahang makatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at tanggapin ang Kanyang mga pangako, samantalang silang hindi nakakakilala sa Diyos ay walang kakayahang tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos at tanggapin ang Kanyang mga pangako. Silang mga nakakakilala sa Diyos ay ang mga kaniig ng Diyos, at silang hindi nakakakilala sa Diyos ay di-maaaring tawaging mga kaniig ng Diyos; ang mga kaniig ng Diyos ay maaaring tumanggap ng kahit na anong pagpapala sa Diyos, nguni’t silang mga hindi Niya kaniig ay hindi karapatdapat sa kahit alin sa Kanyang gawain. Maging ito man ay mga kapighatian, pagpipino, o paghatol, ang lahat ay para mapayagan ang tao na makamtan sa bandang huli ang pagkakilala sa Diyos at sa gayon upang ang tao ay magpailalim sa Diyos. Ito lamang ang bunga na makakamtan sa huli. Wala sa tatlong mga yugto ng gawain ang nakatago, at ito ay mainam sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at tinutulungan ang tao na makamtan ang mas ganap at lubos na pagkakilala sa Diyos. Lahat ng gawaing ito ay kapakipakinabang sa tao.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Salita ng diyos ngayong araw Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Salita ng diyos ngayong araw
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa
pamamagitan ng Messenger anumang oras!