Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu. At dahil din sa nagbalik sa katawang-tao ang Panginoong Jesus, at sinimulan ang gawain ng “paghatol simula sa bahay ng Diyos” sa mga huling araw. Tulad ng pagpapahayag ni Cristo ng mga huling araw-Makapangyarihang Diyos sa buong katotohanan ng pagliligtas sa sangkatauhan para dalisayin ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagiging gawain ng Diyos ng mga huling araw. Tatanggapin ng mga tumatanggap sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang gawain ng Banal na Espiritu, at tatanggapin ang pagtutustos at pagdidilig ng tubig na buhay. Gagawin ng Diyos na mananagumpay ang mga bumabalik sa harapan ng Kanyang trono, at dadalhin sila alinsunod sa Kanyang kalooban, habang ang mga humihinto sa lugar ng relihiyon, at tumatangging tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ay maiiwan sa madilim na kalungkutan. Pinatutunayan nito ang isang propesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon” (Amos 4:7-8). Dito, ang “isang bahagi ay inulanan” ay tumutukoy sa mga iglesiang tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Tinanggap nila ang presensiya ng mga salita ng Diyos, at tinamasa ang panustos ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa trono. “… at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.” ay tumutukoy sa mga pastor at elder ng relihiyon na tumatangging isagawa ang mga salita ng Panginoon at sumusuway sa Kanyang mga utos, at tinatanggihan, tinututulan, at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, na dahilan para tanggihan at isumpa ng Diyos ang mundo ng relihiyon, para ganap na mawala ang gawain ng Banal na Espiritu at paraang makuha ang tubig na buhay, at makulong sa kalungkutan. Parang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, noong naging malungkot ang templo na dati’y puno ng kaluwalhatian ng Jehovah na Diyos, Hindi sinunod ng mga Hudyo ang mga kautusan ng Diyos, nag-alay ng mga hindi nararapat na sakripisyo, at naging lugar ng kalakalan, lungga ng mga magnanakaw ang templo. Bakit nangyari ito? Pangunahin dahil hindi sinunod ng mga Hudyong pinuno ng relihiyon ang mga kautusan ng Jehovah na Diyos, at hindi natakot sa Diyos sa kanilang mga puso. Sinunod nila ang mga tradisyon ng mga tao, pero tinanggihan ang mga utos ng Diyos. Lubos silang lumayo sa daan ng Diyos, Pero isa pang dahilan ay nagkatawang-tao ang Diyos para tubusin ang sangkatauan sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagbago na ang gawain ng Diyos. Natanggap ng kahat ng tumanggap sa gawaing mapantubos ng Panginoong Jesus ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng bagong paraan para isagawa ang kanilang pananampalataya, pero ang mga tumanggi at tumutol sa gawain ng Panginoong Jesus ay inalis ng gawain ng Diyos, at nahulog sa madilim na kalungkutan. Kung gusto ninyong matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at makamit ang pagtustos ng tubig na buhay, ang pinakamahalagang bagay na kailangan ninyong gawin ay hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lulutasin nito ang ugat ng problema sa kadiliman sa mga espiritu ninyo at kalungkutan sa iglesia ninyo. Sang-ayon ba kayo?
mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono
Repleksyon sa ebanghelyo ngayon: Bakit nabubuhay pa rin tayo sa sitwasyon ng paggawa ng kasalanan at pagkumpisal matapos na maranasan ang pagtubos ng Panginoong Jesus? Paano tayo makakalaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan at makamit ang pagdadalisay?